Sunday, October 26, 2008

JDV: Isinulong ang ika-apat ng impeachment ni GMA

Philippines, October 26, 2008

Ini-endorso ni dating House Speaker Jose C. de Venecia Jr. kahapon Sabado, Okt. 25, 2008 and ika-apat ng "impeachment complaint" laban kay Gng. Arroyo na isinampa nina Atty. Harry Roque, Ilo-Ilo vice governor Suplico at ng kanyang anak at ka-pangalan na si Jose "Joey" De Venecia.

Mula sa isang press conference na ginanap sa kanyang tahanan sa Forbes Park, Makati City, sinabi ni JDV na ang dahilan ay ang kanyang personal na konsensiya, obligasyon sa publiko at mamamayan at para sa mas mataas na interest ng bayan kaya niya ini-endorso ang "impeachment complaint" ng walang isinasa-alangalang na kung anupaman.

Si De Venecia, na dating tapat na kaalyado ni Gng. Arroyo ay tumanggi ng una na i-endorso and nasabing reklamo dahil isa sa pangunahin nagha-habla ng reklamo ay ang kanyang anak mismo.

Ayon kay JDV at napag-isip-isip nito na ang nasabing reklamo laban kay Gng. Arroyo may nakatakdang layunin na humihingi ng kaliwanagan at katotohanan na isa niyang responsibilidad at sinumpaang obligasyon sa bayan at mamamayan.

Nagbago ang kaniyang paninindigan ng siya ay makatanggap ng tawag sa telepono mula kina dating AFP chief of staff and defense secretary Fortunato Abat, evangelist Eduardo "Bro. Eddie" Villanueva of the Jesus Is Lord (JIL) Movement, JIL Bishop Leo Alconga, and Roman Catholic Archbishop Oscar Cruz of Lingayen-Dagupan.

Ang Pagbabalik ni Jocelyn "Joc-joc" Bolante

Philippines, October 26, 2008

Hindi pa man ay ginugulo na ng rehimeng Arroyo ang mga detalye ng pagbabalik ni Joc-joc Bolante. Ayon sa balitang nakalap mula sasakyan nitong Northwest Airlines na nasa Eagan, Minnesota kahapon Oktubre 25, 2008, si Bolante ay naka-posas na ihahatid ng mga marshall ng Estados Unidos at lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) humigit kumulang mga 11 ng gabi ng Martes, Oktubre 28, 2008.

Si Bolante ay aalies ng O’Hare International Airport sa Chicago sakay ng domestic Northwest flight patungong Detroit International Airport sa Michigan sa Lunes, Okt. 17.

Sa naman Detroit, ay lilipat siya paalis lulan ng pang-internasyunal na biyahe ng Northwest Airlaine that sa ganap na 3:30 ng gabi patungo ng Narita International Airport sa Japan, darating duoon ng 6 p.m. Sa nasabing eroplano rin ay sasakay ito pauwi ng Manila ng 7:50 p.m. at darating sa NAIA ganap na 11 p.m. ng Martes.